Paggamit ng Maute Group ng mga bata sa giyera sa Marawi, ikinabahala ng pamahalaan

Manila, Philippines – Nabahala ang Duterte administration sa mga natatanggap na impormasyon na ginagamit ng Maute Group ang mga batang bihag nito upang makipagbakbakan na rin laban sa militar.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang – sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na ginagawa ng tropa ng pamahalaan ang lahat ng dapat gawin para mailigtas ang mga bihag ng mga Maute.

Ayon kay Padilla – sakaling makaharap ng mga ito ang mga batang armado ay hanggang maaari ay idi-disable lang nila para mailigtas din ang mga bihag.


Nabatid na pinapatay ng maute ang mga bihag na hindi sumusunod sa kanilang iniuutos kabilang na nga dito ang sapilitang paghawak ng armas.

Possible din naman aniya na ang ilan sa mga bata na nakikipagbakbakan sa lungsod ay matagal nang sinanay ng mga terorista at posibleng anak pa ang mga ito ng mga miyembro ng Maute Group.

Wala din namang bilang na maibigay si Padilla kung ilan ang mga bata na ginagamit ng Maute sa bakbakan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments