Paggamit ng medical marijuana, kailangan pa ring dumaan sa proseso kahit pa irekomenda ng WHO

Manila, Philippines – Bagaman at bukas sa posibilidad na pagsasalegal ng medical marijuana hindi pa rin masabi ng Department of Health (DOH) kung magiging madali ang pagpapatupad nito sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – itinuturing kasing illegal drugs sa bansa ang marijuana kaya hindi ito basta-basta pwedeng irehistro sa FDA bilang medical item.

Dahil dito, kailangan muna aniya ng batas na mag-aalis sa marijuana bilang iligal na droga.


Sabi pa ng opisyal – kahit irekomenda ito ng World Health Organization (WHO), hindi pa rin ito otomatikong magagamit sa Pilipinas dahil kailangan pa rin itong dumaan sa proseso.

Sa ngayon, may isinasagawa nang pre-clinical studies ang institute for traditional and alternative health care para handa ang DOH sakaling magkaroon ng pag-aaral hinggil sa medical cannabis.

Facebook Comments