Paggamit ng Moderna vaccine sa mga batang nasa 6 hanggang 11, pinag-aaralan na ng Health Technology Assessment Council

Masusi na ring pinag-aaralan ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang nasa edad anim hanggang labing-isa.

Kasunod ito ng pagkatig ng Food and Drug Administration (FDA) sa pag-amyenda ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Moderna para magamit sa nakababatang populasyon.

Ayon kay Dr. Beverly Ho ng Department of Health (DOH), hinihintay na lang ngayon ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na magsisilbing gabay sa Health Technology Assessment Council (HTAC) ng Pilipinas para sa sarili nitong evaluation.


Sakali aniya na may sapat nang ebidensya na susuporta sa rekomendasyong ipagamit ang Moderna sa mga batang anim hanggang labing-isang taong gulang, agad na isasagawa ng DOH National Vaccination Operation Center (NVOC) ang roll-out ng pagbabakuna.

Facebook Comments