Inaprubahan na ng United Kingdom bilang gamot sa COVID-19 ang antiviral drug ng Merck na Molnupiravir.
Ito ay matapos na lumabas na ligtas at epektibo ang gamot upang mabawasan ang tyansang ma-ospital pa o kaya mamatay ang pasyenteng mayroong mild to moderate COVID-19 symptoms.
Ayon sa Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency (MHRA), pinaka-epektibong inumin ang gamot sa unang limang araw mula nang nakakaranas ang isang indibidwal ng sintomas.
Paglilinaw naman ng MHRA, hindi ito dapat gawing alternatibo sa bakuna at sa halip ay dagdag lamang sa ating mga sandata laban sa COVID-19.
Facebook Comments