PAGGAMIT NG MOTOR NG MGA MENOR-DE-EDAD, NILILIMITAHAN SA SAN GUILLERMO

CAUAYAN CITY- Puspusan ang panghuhuli ng mga kapulisan sa mga menor edad na gumagamit ng motorsiklo sa bayan ng San Guillermo, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Chief of Police PMaj Merwin Villanueva, may ibinabang Executive Order ang Provincial Government na nagbabawal sa mga menor de edad na gumamit ng motorsiklo.

Aniya, pinapaalalahanan nila ang mga magulang na ipagbawal ang pagmamaneho ng kanilang mga anak na menor edad.


Watch more balita here: 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga paaralan hinggil sa ordinansang ito upang maiwasan na masangkot sa aksidente ang mga menor de edad.

Sinabi pa nito na epektibo ang kanilang pagpapatupad sa ordinansang ito lalo na sa mga centro kung saan nabawasan ang kanilang mga nahuhuli na lumalabag nito.

Facebook Comments