Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang paggamit sa motorsiklo bilang public transportation.
Sa House Bill 8959, inaamyendahan ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan nakasaad na bawal upahan o gamiting pampasahero ang mga pribadong motorsiklo at scooters.
Sa oras na maging batas, papayagan na ang ride application gaya ng Angkas o habal-habal na pampublikong transportasyon.
Itinutulak ng mga kongresista na kilalanin ng Department of Transportation (DOTR) ang operasyon ng motorcycle taxis at ma-regulate ang sistema ng motorcycle for hire gaya nang ginawa sa Grab at iba pang ride hailing app.
Matatandaang, nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema noong Disyembre para patigilin ang operasyon ng Angkas.