Paggamit ng NBI clearance bilang kapalit ng ID sa SIM Assisted Registration, papayagan na sa mga liblib na lugar sa bansa

Luluwagan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang paghingi ng identification card (ID) bilang isa sa requirements sa SIM Assisted Registration sa remote areas sa bansa.

Sa katatapos na SIM Registration press conference sa tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC), sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Atty. Jose Dominic Clavano na maaari nang gamitin ang National Bureau of Investigation (NBI) clearance bilang alternatibong kapalit ng ID.

Ito ay dahil isa sa natukoy ng mga telecommunications company kung bakit marami ang hindi makapagrehistro sa mga liblib na lugar ay dahil sa kawalan ng ID.


Ayon naman kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo maging ang barangay clearance ay maaari na ring gamitin kapalit ng ID.

Ngayong araw ay umarangkada ang SIM Assisted Registration mula sa 15 pilot areas na malalayong lugar sa Pilipinas.

Aminado ang NTC at mga telco sa reyalidad na mayroon pa ring mga lugar sa bansa na wala talagang internet signal.

Dahil dito ay dala ng NTC at DICT ang kanilang mga equipment na gagamitin sa kabilang na ang connectivity on wheels.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11934 o ang SIM Card Registration Law, itinakda ang deadline sa pagpaparehistro ng SIM Card hanggang sa darating na Abril 26.

Facebook Comments