Paggamit ng non-lethal weapons, pinag-aaralan ng PNP kasunod ng insidente sa Jolo, Sulu

Inilahad ng Philippine National Police (PNP) na mayroong planong armasan ang mga pulis ng non-lethal weapons para maiwasan ang mga patayan sa mga ikinakasang operasyon.

Sa pagdinig ng Senado, kinuwestyon ni Senator Risa Hontiveros ang tila nauuwi sa pamamaril ang mga operasyon ng mga pulis katulad ng nangyari sa Jolo, Sulu kung saan apat na sundalo ang namatay at ang kaso ng dating sundalong si Winston Ragos na napatay sa checkpoint sa Quezon City.

Paliwanag ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, ang pulisya ay mayroong dalawang istratehiya sa pag-aresto – ito ay ang paghihikayat at ang paggamit ng firearms.


Kabilang sa mga non-lethal weapons na kanilang ikinokonsidera ay pepper spray, taser gun at baton.

Sinabi ni Gamboa, kung hindi magiging epektibo ang panghihikayat ay maari nilang gamitin ang kanilang firearms bilang huling paraan.

Ipinag-utos na ng PNP ang directorate for logistics na pag-aralan ang pagsama ng non-lethal weapons sa basic police uniform.

Facebook Comments