Paggamit ng online banking at mobile wallet, pinababantayan ng BSP sa mga lugar na kilalang talamak ang vote buying

Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isumbong sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) ang anumang mamo-monitor nilang pamimili at pagbebenta ng boto ngayong nalalapit na midterm elections.

Kasabay nito, inatasan ng BSP ang financial institutions na paigtingin pa ang pagmamatyag upang maiwasang magamit ang online banking at mobile wallet applications para sa vote buying at vote selling.

Bantayan din anila ang mga kahina-hinalang biglang dami ng account registrations sa mga lugar na kilalang talamak ang vote buying at ang mga malalaking transaksyon ngayong election period.


Pinababantayan din ng BSP sa mga financial institution ang malalaking halagang ipinapa-cash in at cash-out.

Tugon ito ng BSP sa hiling ng Comelec na magpatupad ng mas mahigpit na mekanismo laban sa pamimili at pagbebenta ng boto.

Facebook Comments