Paggamit ng Online Platforms sakaling magpatuloy ang COVID-19, pinag-aaralan na ng DepEd

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng Online Platforms sa pagbubukas ng klase ngayong taon sakaling magpatuloy pa ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, may isinasagawa nang hakbang ang DepEd para magkaroon ng Information and Communication Technology-based Adjustments ang mga mag-aaral.

Kabilang dito ang inilunsad na “DepEd Commons” na gagamitin ng mga guro para magbigay ng online review materials at iba pang educational resources sa mga mag-aaral.


Hindi kasi sapat ang ginagawang home schooling dahil kailangan pa ring maramdaman ng mga mag-aaral ang presensya ng kanilang guro.

Sa ngayon, nasa 450,000 members na ang gumagamit ng “DepEd Commons”.

Facebook Comments