Paggamit ng oxygen tank sa bahay, dapat may patnubay ng doktor – DOH

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng home care service sa halip na mag-imbak ng oxygen cylinders na walang maayos na medical supervision o prescription mula sa health professionals.

Ito ang sinabi ng kagawaran dahil may ilang pasyente ang nais manatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa kawalan ng hospital rooms.

Ayon kay DOH Technical Advisory Group Dr. Edsel Salvana, ang mga oxygen facilities na nasa bahay ay dapat mayroong supervision mula sa mga doktor dahil hindi madali ang pag-manage nito.


Dagdag pa ni Salvana, mahalagang itaas ang healthcare capacity para matugunan ang surge ng COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments