Paggamit ng pangalan ng sinumang opisyal sa Muntinlupa LGU, mahigpit na ipinagbabawal

Ipinag-utos ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pagpapatupad ng “No Name Dropping Policy” o paggamit ng pangalan ng sinumang opisyal sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Biazon, hindi authorized ang pagbanggit ng kanyang pangalan o Office of the City Mayor anuman ang transaksyon lalo na kung hindi sang-ayon sa normal procedure o instruction.

Paliwanag ng alkalde dapat aniyang tanggihan ng mga kawani ang indibidwal na magtatangka at agad na isumite sa kanya ang mga pangalan ng susuway sa polisiya.


Binigyang-diin pa ni Biazon na bagama’t itinuturing siyang “Soft-Spoken” o malumanay ay hindi nito kukunsintihin ang mga lalabag sa “No Name Dropping” Policy.

Umapela naman si Biazon sa mga kawani ng gobyerno na pahalagahan at paghusayin ang trabaho at pairalin ang personal values.

Kailangan umanong tandaan ang tapat, may integridad, habag at dedikasyon sa tungkulin upang maibigay ang mabilis at epektibong serbisyo sa mamamayan.

Facebook Comments