Paggamit ng panty bilang campaign material, ok lang – Comelec

123

Manila, Philippines – Nilinaw ng Comelec na walang problema sa paggamit ng panty bilang campaign materials.

Ito ay matapos umani ng reaksyon sa social media kung saan ginamit bilang giveaway ang mga panty na may pangalan ng isang councilor.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – ang underwear ay walang pinagkaiba sa t-shirt o sobrero na kadalasang ipinamimigay kapag kampanya.

Sa ilalim anya ng election laws ng bansa, hindi nakasaad kung ano lamang ang mga damit na pwedeng gamiting campaign material.

Nauna nang pinuna ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang giveaway na panty.

Facebook Comments