Mahigpit na binabantayan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jacinto ang mga gagamit ng paputok sa pagsapit ng bagong taon.
Ayon sa BFP, bagamat wala pa namang naitatalang firework-related injury nitong kapaskuhan ay patuloy pa rin ang kanilang paalala sa publiko.
Bukod dito, hinikayat din ng BFP ang publiko na gumamit ng alternatibong pampaingay katulad ng mga torotot sa paggunita ng bagong taon. Ngunit, abiso ng ahensya na kung hindi maiiwasan, maiging bumili nalang ng paputok sa mga rehistradong nagbebenta upang maiwasang mabiktima ng pekeng paputok.
Higit sa lahat, ipinagbabawal ng BFP ang pagbibigay ng o pagpapahawak ng paputok sa mga bata o ano mang pailaw.
Parte ang pagpapaalala ng BFP sa pagpapaigting ng kanilang operasyon laban sa pag-iwas sa sunog o pinsala ng apoy.










