Paggamit ng Pesticides sa mga Pananim na Gulay, Inapela ng isang Alkalde na Iwasan

Cauayan City, Isabela- Umapela sa mga magsasaka si Mayor Elizabeth Balasya ng Kayapa, Nueva Vizcaya na bawasan ang paggamit ng kemikal na pestisidyo at obserbahan ang crop rotation.

Ito ay hakbang ng alkalde para suportahan ang Food Safety Program na ipinatupad ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 02) sa Cagayan Valley.

Sa isang pahayag, sinabi ni Balasya na kilala ang kanilang bayan na isa sa mga mahor producers ng highlad vegetablesbat high value commercial crops sa buong rehiyon.


Gayunman, nakaratint sa kaalaman ng alkalde ang mataas na paggamit umano ng pesticides residue na nadiskubreng ibinibenta sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).

Kaagad naman niyang sinabihan ang mga magsasaka na bawasan ang paggamit ng pesticide upang maiwasan ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng tao.

Samantala, hindi na umano bago sa rehiyon ang Food Safety matapos itong maisapubliko sa tao sa mga nakalipas na taon, ayon kay Regional Technical Director for Research and Regulatory Rose Mary G. Aquino.

Una na nga na ang Santiago City na tumangkilik sa programa ng ahensya na sinundan ng iba’t ibang bayan at siyudad sa region 2.

Napag-alaman na ang nagpasa ng resolution ang Nueva Vizcaya Agricultural Terminal sa Bambang, Nueva Vizcaya para magsagawa ng random testing sa mga gulay na papasok terminal.
📸LGU Kayapa

Facebook Comments