Bukas ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mungkahi ni Bohol Governor Arthur Yap na magkabit ng plastic shield sa pagitan ng rider at back-rider nito.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi na bago ang suhestyon ni Yap dahil ginagawa na ito sa Indonesia para matiyak na may public mobility na hindi nakokompromiso ang health protocols.
Sinabi ni Año, ang hawakan ay ilalagay sa hard plastic shield para mapanatili ng pasahero ang balanse nito kahit hindi nakakapit sa motorcycle driver.
Pero iginiit ng kalihim na masyadong mapanganib pa rin na payagan ang motorcycle back-riding sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinag-aaralan pa rin ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) bago ipasa kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang assessment at approval.