Paggamit ng plastik, dapat bawasan – DENR

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na bawasan ang paggamit ng plastik na kadalasang naitatapon lamang sa karagatan.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – ang plastic pollution ay isa sa pinakamalaking banta sa ocean health at marine life sa buong mundo, na tinatayang nasa walong milyong toneladang plastic waste ang itinatapon sa karagatan kada taon.

Base rin sa United Nations Report, ang Pilipinas ay isa sa top 5 contributors ng plastic waste sa daigdig, kung saan nakakapag-produce ang bansa ng 2.7 metric tons ng plastic bawat taon.


Lumalabas sa 2017 International Coastal Cleanup Report, ang kadalasang polluting items ang natatagpuan sa karagatan ay upos ng sigarilyo, plastic bottles at caps, straws, plastic bags at stirrers.

Facebook Comments