Paggamit ng Pneumonia Vaccines, hindi garantiyang makakatulong kontra sa misteryosong Respiratory Disease mula China

Iginiit ng Department of Health (DOH) na walang katiyakan na magiging epektibo ang mga bakuna kontra Pneumonia sa sinasabing misteryosong Respiratory Diseases sa China.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, hindi dapat magpakampante ang publiko at huwag ding maniwala sa mga sinasabing mapoprotektahan ng mga existing Pneumonia Vaccines mula sa misteryosong sakit.

Pero hinimok ni Domingo ang publiko na magpakuha ng Regular Flu Vaccines dahil Flu Season sa bansa tuwing Enero at Pebrero.


Nabatid na ang misteryosong sakit ay nakita sa higit 40 indibidwal sa Wuhan, China.

Facebook Comments