Muling nagpaalala ang Pangasinan Provincial Cyber Response Team sa publiko na maging maingat sa paggamit ng libreng Wi-Fi services upang maiwasang maging biktima ng cyber-attacks.
Sinabi ni PMSgt. Archimedes Fernandez, Provincial Cyber Response Team na malaki ang maibibigay na ginhawa ng paggamit ng mga pampublikong Wifi gaya sa mga paliparan, coffee shop, at mall ay maaari naman itong makapagbigay ng daan para sa mga hacker.
Aniya, na kapag gumagamit ng public Wi-Fi ay mas prone umano sa cyber-attacks dahil bukas ang mga port at dito na magkakaroon ng pagkakataon ang mga online hackers na mangalap at samantalahing kunin ang impormasyon.
Dagdag pa nito na ang mga indibidwal na kumokonekta sa pampublikong Wi-Fi ay nasasangkot sa sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan at cyber fraud dahil madaling maharang ng mga hacker ang sensitibong data tulad ng mga password sa social media at impormasyon sa banko.
Para sa kaligtasan ng lahat nagpaalala ang opisyal na maging maingat sa paggamit ng mga libreng wifi sa mga pupuntahan.
Agad ipagbigay alam sa Pangasinan Provincial Cyber Response Team ang mga kahina-Hinalang transakyon para sa agarang aksyon. |ifmnews
Facebook Comments