Paggamit ng reenacted budget sa 2026, magiging pabigat lang sa bansa —Malacañang

Walang bentahe ang paggamit ng reenacted budget para sa 2026.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, mariing tinututulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng lumang pondo dahil nakatutok siya sa paglago ng ekonomiya.

Kung babalik sa lumang pondo, imbes na umasenso ay paghina lamang ang kahihinatnan ng bansa.

Giit ni Bersamin, kung ipipilit aniya ang reenacted budget, babagal ang mga bagong programa at proyekto, lalo na’t may mga item na hindi na akma o maaaring ipatupad sa 2026.

Binigyang-diin ni Bersamin na ang pambansang budget ay isang makapangyarihang instrumento upang buhayin ang ekonomiya at itulak ang bansa sa paglago.

Facebook Comments