Paggamit ng renewable energy, muling iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng kampanya nito kontra global warming

Binigyang-diin muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kahalagahan ng paggamit ng renewable energy sa harap ng ikinakampanya nitong mga hakbang bilang laban sa lumalalang climate change.

Ayon sa Pangulo, kailangan ng maikonsidera Alang paggamit ng ilan pang energy sources at palitan na ang mga dating nakagawian na nakakaambag sa pagkasira ng kalikasan.

Dapat na aniyang gamitin ang renewable energy nang sa gayon ay mabawas-bawasan ang negatibong impact ng fossil fuel.


Sa tindi aniya ng mga nararanasang bagyo na epekto ng climate change ay sadyang kailangan na ng pagbabago upang matugunan ang problema sa global warming na ramdam na ang masamang epekto.

Dapat na aniyang magpatupad ng advancements na makabebenepisyo ang kalikasan at may maganda ring epekto sa ekonomiya at sa mga tao.

Facebook Comments