Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mag-shift o gumamit na ng renewable energy mula sa fossil fuels.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga nagiging hadlang sa investors na pumasok sa bansa ay ang mahal na kuryente at enerhiya, at napag-iwanan na rin sa development ang transmission systems ang Pilipinas.
Bukod dito, isinasaalang-alang din umano ang geopolitical issues sa West Philippine Sea, kung saan may nakatagong malaking gas at oil deposits.
Kaugnay nito ay hinikayat ng pangulo ang Brunei na mamuhunan sa renewable energy sector ng bansa.
Kinakailangan umano ang investments sa power system upang mapalakas ang produksyon.
Facebook Comments