Iginiit ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang paggamit ng reusable plastics kasunod ng kabilaang kasiyahan ngayong kapaskuhan at bagong taon.
Ayon sa Provincial Ordinance No. 426-2023, kilala bilang 2023 Plastic Code of La Union, layunin nitong hikayatin ang publiko na magdala ng sariling bag o container (Bring Your Own Bag/Container) upang makatulong sa pagbabawas ng basura sa lalawigan.
Ayon sa ordinansa, ipinagbabawal ang paggamit ng mga plastic bag, plastic wares, at styrofoam sa mga dry and wet goods, frozen foods, at vacuum-sealed foods.
Sa halip, hinihikayat ang paggamit ng reusable, recyclable, at biodegradable na packaging. Ang mga lalabag sa ordinansang ito ay papatawan ng multa na P2,000 sa unang paglabag, P3,000 sa ikalawang paglabag, at P5,000 sa ikatlong paglabag at mga susunod pang paglabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨