Hinikayat ni Senator Sonny Angara ang mga paaralan na sa halip na toga ay sablay na lang ang ipasuot sa mga estudyante sa graduation ceremonies.
Sabi ni Angara, kahit wala pang deriktiba ang Department of Education o DepEd ay pwede ng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang paggamit ng sablay katulad ng ginawa ng Pasig City Government.
Paliwanag ni Angara, ang sablay ay kumakatawan sa rich cultural heritage ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Angara, akma din ang sablay sa klima sa ating bansa at mas fashionable kumpara sa toga.
Diin pa ni Angara, ang pagtangkilik sa sablay ay makakatulong din sa local textile production o sa industriya ng weaving o paghahabi.
Ang ideya ng paggamit sa sablay ay unang isinulong ni DepEd Undersecretary for Administration Alain del Pascua dahil mas ipinapakita nito ang ating pagiging Pilipino.