Paggamit ng saliva o laway bilang pamalit sa specimen sa COVID-19 tests, inaprubahan na ng DOH

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng saliva o laway bilang pamalit sa specimen para sa COVID-19 tests sa mga laboratoryo ng Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ipinakita na ng PRC ang test results nito sa mga laboratory experts panel dahilan kaya napagkasunduan nang payagan ang paggamit nito.

Agad namang ipapadala ang rekomendasyon kay Health Sec. Francisco Duque III pero sa ngayon ay maaari nang gamitin ang saliva bilang alternatibong specimen.


Samantala, sinabi pa ni Vergiere na hinihintay na lang nila ang resulta ng validation test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), bago payagan din ang kaparehong paraan sa lahat ng mga laboratoryo sa bansa.

Facebook Comments