Paggamit ng saliva testing, posibleng aprubahan na sa susunod na linggo ng DOH

Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na sa susunod na linggo ay mabibigyan na sila ng go signal ng Department of Health para sa paggamit ng saliva test na mas mura kaysa sa RT-PCR test.

Sa interview ng RMN Manila kay PRC Biomolecular Laboratories Chief at dating Health Sec. Paulyn Ubial, sinabi nito na Lunes ay nakatakda nilang ipresinta ang naging resulta ng dry run para sa 1,000 samples ng saliva test na kanilang isinagawa noong Martes.

Dito aniya, inaasahan na mabibigyan na ang PRC ng go signal ng DOH-Health Technology Assessment (HTA).


Sakaling maaprubahan, agad na sisimulan ng PRC ang saliva testing sa Metro Manila kung saan aabot sa 16,000 ang capacity nito per day.

Facebook Comments