Paggamit ng scientific innovations para sa Disaster Response, iniutos ni PBBM

Nais isulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng makabago at science-based na solusyon sa disaster response upang makasabay sa hamon ng panahon.

Sa ika-24 na Gawad KALASAG National Awarding Ceremony, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapabuti ng disaster risk reduction and management (DRRM) at hinikayat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga ahensya, at local government units na magtulungan.

Ayon sa pangulo, dapat na nakakasabay ang ating teknolohiya para sa patuloy na pag-unlad at pagtugon ng mga problemang kinakaharap ng bansa.


Bukod dito, bilang indibidwal aniya ay importanteng marunong tayong sumunod sa mga plano at estratehiya para sa sariling kaligtasan at para sa komunidad.

Ang mga inisyatibong ito aniya ay nakaayon sa “Build Back Better” strategy ng pamahalaan para sa recovery at rehabilitation.

Facebook Comments