Paggamit ng self-swabbing COVID-19 test kits, hindi ipinapayo ng NTF

Hindi ini-indorse ng mga eksperto ang paggamit ng self-swabbing COVID-19 test kits.

Ito ang binigyang diin ni National Task Force Against (NTF) COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon dahil ang mga self-swabbing kits ay hindi garantisadong makapagbibigay ng accurate result.

Ani Dizon, ang mga ito ay hindi rin aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) maging ng regulatory bodies gaya ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Kaya para makasiguro gagamitin lang ng gobyerno ang mga validated at may approval ng FDA at World Health Organization (WHO).

Ngayong linggo target ng pamahalaan na makapagsagawa ng 20,000- 25,000 COVID-19 tests araw-araw sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa sakop ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Una nang sinabi ng Philippine Hospitals Association na dapat sanayin ng Department of Health (DOH) ang publiko na mangolekta ng kanilang sariling specimen para sa COVID-19 testing.

Makatutulong anila ito upang madecongest ang ating mga labolatoryo at ospital.

Facebook Comments