Paggamit ng Senate committee report sa kaso ni FPRRD sa ICC, posibleng makasama pa —Palasyo

Posibleng makasama pa sa depensa ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paggamit ng Senate Committee on Foreign Relations report sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mainam sigurong pagtuunan na lamang ng pansin ang tunay na depensa sa mga alegasyon laban sa dating pangulo, sa halip na ibaling ang sisi sa administrasyon.

Matatandaang sinabi ng legal team ni Duterte na ang resulta ng imbestigasyon ng komite ni Senadora Imee Marcos, ang magpapakita na ang pag-aresto kay Duterte ay parte ng “whole-of-government approach” para pahinain ang kanyang pamilya sa politika.

Pero giit ni Castro, hindi naman aniya bulag ang ICC para makita kung ano ang katotohanan sa pag-aresto sa dating pangulo dahil nakabatay naman sa tamang proseso ang naging aksyon ng gobyerno.

Facebook Comments