Paggamit ng sexual enhancement products na hindi aprubado ng FDA, ibinabala ng Ecowaste Coalition ngayong Valentine’s Day

Pinaiiwas ng isang environmental group ang mga magsing-irog ngayong papalapit na ang Valentine’s Day sa paggamit ng sexual enhancement products na hindi aprubado ng Food and Drug Administration o FDA.

Tinukoy ng EcoWaste Coalition ang mga kapsula, pildoras, cream, gel at oil na sinasabing magpapalakas ng sexual performance.

Gayundin ang food supplements na magpapasigla umano ng sexual drive o gamot sa mga mayroong problema sa erectile function.


Ayon sa grupo, sa ngayon ay madaling mabili ang mga ito sa mga mga nagtitinda sa gilid ng bangketa o kaya ay nabibili lang sa online.

Ayon pa sa EcoWaste, ang naturang produkto ay may mga nakatagong sangkap o bahagi na katulad sa mga prescription drugs.

Ang mga ito ay may seryosong side effects at pwedeng makasira sa paggagamot o dietary supplements ng sinumang gagamit nito.

Sa halip na makatulong ito sa pagpapasigla ng sexual performance, pwedeng mauwi ito sa pagkasira ng puso at atay at pagdurugo ng tiyan at ng blood cell problems.

Payo ng grupo, kumonsulta muna sa kanilang mga doktor ang sinumang gustong sumubok ng mga sexual enhancement products na nasa merkado.

Facebook Comments