Paggamit ng single use plastic iwasan ayon sa Palasyo

Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na maging makakalikasan at iwasan ang paggamit ng mga single use plastic na isa sa pangunahing problema ng bansa.

Ito ang mensahe ng Malacañang sa publiko sa harap narin ng paggunita sa Earth Hour kung saan mamayang gabi ay makikiisa ang Pilipinas iba pang bansa sa buong mundo sa pagpatay ng mga ilaw ng isang oras upang ipakita ang pakikiisa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang tinututukan ngayon ng Earth Hour ay ang pagbabawal sa paggamit sa mga single use plastics na isa sa pinaka malaking problema ng buong mundo hindi lamang ng Pilipinas.


Sinabi ni Panelo na base sa report ng United Nations ay isa ang Pilipinas sa top 5 na bansa na pinakamaraming plastic wastes na naitatapon sa karagatan.

Kaya naman hinikayat ni Panelo ang publiko na kung maaari ay iwasan na ang paggamit ng mga single use plastic at maging mulat sa negatibong epekto nito sa kalikasan.

Facebook Comments