*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal sa mga paaralan at opisina na sakop ng Department of Education-Isabela na gumamit ng kahit anong uri ng single-use plastic upang makaiwas sa posibleng sakit dulot ng paggamit nito.
Ito ay alinsunod pa rin sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
Batay sa ipinalabas na kautusan ng Schools Division Office-Isabela, kabilang sa mga ipagbabawal ang paggamit ng plastic cups, drinking straw, coffee stirrers, spoon, forks, knives, labo or thin transluscent plastic bags, thin-filmed sando bags na hindi bababa sa 15 microns, polysterene foam o Styrofoam cups/food containers.
Hinihikayat naman ng pamunuan ang pagdadala ng mga personal tumbler ng mga empleyado at kliyente ng nasabing tanggapan.
Titiyakin din ng Health and Nutrition Section ng SDO Isabela ang implemantasyon sa lahat ng paaralan sa Isabela kaugnay dito.