Paggamit ng social media, inirekomenda sa mga MSMEs

Hinikayat ni Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero ang mga Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) na gamitin ang social media sa kanilang negosyo ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Naniniwala si Romero na maaari itong gawin ng mga maliliit na negosyo upang matiyak na tuluy-tuloy pa rin ang pagpasok ng kanilang kita.

Paliwanag ng kongresista, maaaring gamitin ng mga MSMEs ang Facebook, Twitter, Youtube, Google at iba pang social media platform para sa pagtitinda ng kanilang mga produkto.


Sa ganitong paraan ay matitiyak pa rin ang pagpasok ng sales at mas mapapalawak din ang marketing platforms.

Pinayuhan naman ni Romero na samahan ng logistics ang paggamit ng social media sa negosyo tulad ng door-to-door delivery sa lugar kung saan sila nag-o-operate.

Mahalaga, aniya, na sa gitna ng krisis ay makahanap ng ibang oportunidad ang mga negosyante upang maitawid ang kabuhayan sa kabila ng epekto ng COVID-19.

Facebook Comments