Paggamit ng social media ng mga kabataan, pinare-regulate ng isang senador

Pinalilimitahan ng Senado ang paggamit ng mga menor de edad ng social media upang maiwasan ang overexposure at negatibong epekto nito sa mga kabataan.

Tinukoy ni Senator Ping Lacson ang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) kung saan lumalabas na ang mga kabataang Pilipino ay lantad sa cyberbullying, body image pressure, at online harassment dahil sa sobrang social media exposure.

Sa panukalang batas na “An Act Regulating the Use of Social Media Platforms by Minors” na inihain ni Lacson, oobligahin ang mga social media platform na magkaroon ng “reasonable steps” at “age verification measures” para sa paggamit ng social media.

Kabilang sa mga obligasyon ng social media platforms ay ang ID verification, facial recognition, at ibang identity authentication systems; regular audit ng user account data; at pagresponde sa mga age-restricted users sa platform.

Mahaharap naman sa multang P1 million hanggang P20 million ang mga social media platform at service provider na lalabag oras na maisabatas ito.

Posible ring masuspinde ang social media platforms at service providers at pati ang pagtanggal ng lisensya sa Pilipinas kung sunud-sunod ang maging paglabag nito.

Facebook Comments