Hindi inirerekomenda ng Department of Education (DepEd) na gamitin ang social media para sa school projects ng mga estudyante.
Ito ay matapos nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) huwag gamitin ang social media sa class projects.
Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, hindi dapat ginagawang basehan ang mga likes at shares sa performance o output ng isang mag-aaral.
Pero nilinaw ni Sevilla na hindi ipinagbabawal na turuan ang mga estudyante ng social media.
Payo ng DepEd, gamitin ang mga educational apps na libre na at mas mapapangalagaan pa ang seguridad ng mga estudyante sa cyberspace.
Plano ngayon ng kagawaran na maglabas ng Memorandum Order na magiging basehan kung paano gagamitin ang social media sa mga paaralan.