Hinigpitan ng Egyptian government ang media at social networking.
Ayon sa Supreme Media Regulatory Council – papatawan nila ng 250,000 Egyptian pound o katumbas higit 764,000 pesos ang mga social media accounts na mayroong higit 5,000 followers.
Itinuturing nila itong banta sa national security.
Tinawag namang unconstitutional ito ng ilang mamamahayag at iginiit na panghihimasok ito sa karapatan ng media.
Kukwestyunin naman ito ng ilang grupo sa kanilang Supreme Court dahil sa hindi makatwirang paghihigpit.
Facebook Comments