Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at estudyante na iwasang gumamit ng Social Media habang nasa klase.
Ayon kay DepEd Usec. for Administration Alain Del Pascua, na-e-expose ang identity ng mga bata sa iba’t-ibang cyber threats.
Ang Social Media ay isang “tool for collaboration and communication,” pero dapat nagagamit ito ng wasto.
Ipinunto pa ni Del Pascua na may ilang content sa Social Media na hindi pa maaaring akma sa edad ng isang estudyante.
Maaari ring magbukas ang Social Media ng iba’t-ibang problema tulad ng cyber bullying, identity theft, online gambling, pornography, at market fraud na maaaring magdulot ng self-isolation, humiliation, at trauma sa mga bata.
Nakakaapekto rin ang Social Media sa pag-aaral ng mga bata.
Kaya isinusulong ng DepEd ang ilang open-source Learning Management Systems (LMS) tulad ng Edmondo Schoology, Google Classroom, Nearpod, at Socrative na maaaring gamitin ng mga paaralan para sa E-Learning requirements.