PAGGAMIT NG STAYSAFE PH APP, MAS PINAIGTING SA INFANTA

INFANTA, PANGASINAN – Higit pang pinaiigting ang paggamit ng staysafe app sa bayan ng Infanta para sa mas sentralisadong contact tracing kaugnay pa rin sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Magsisimula bukas, araw ng Lunes ang intensified na paggamit nito alinsunod sa mga national agency para sa mas pinabilis, at ligtas na contact tracing.

Dito, imamandato sa mga residente sa bayan na magparehistro sa www.staysafe.ph at i-save o print ang personal QR code.


Sa bawat pagbisita sa kahit anong LGU, iiscan lamang ang QR Code bago umentrada sa Public Assistance at Complaint Desk gayon din sa pag-exit dito.

Inaanyayahan din ang mga empleyado ng LGU rito na gamitin ang staysafe PH App sa araw araw na health declaration sa pagpasok sa trabaho.

Facebook Comments