Iginiit ng Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos ang kahalagahan ng paggamit ng stub sa pamamahagi ng relief sa mga apektadong residente.
Ang bilang ng stub at indibidwal na nakalista dito ay base sa masterlist o populasyon ng lungsod.
Ayon sa alkalde, hindi nangangahulugan na hindi na makakatanggap ng relief ang mga kabahayan o pamilya na hindi nabigyan ng stub.
Binigyang-diin din nito ang delay na maidudulot ng house-to-house na pag-aabot ng relief sa abot 30,000 kabahayan sa lungsod na suhestyon ng ilang residente.
Layunin ng stub na mapabilis at maging patas ang relief distribution at maiwasan na may dobleng mabigyan para lahat ng benepisyaryo ay makakatanggap.
Inabisuhan ang mga residenteng hindi nabigyan ng stub na makipag-ugnayan sa barangay council upang maberepika ang paninirahan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









