Paggamit ng suka na may synthetic acetic acid, hindi maituturing peke

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na mislabeled at hindi pekeng suka ang nabibili ngayon sa merkado.

Ito ay kasunod ng pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na karamihan sa mga commercial vinegar brands ay gumagamit ng synthetic acetic acid sa paggawa ng suka.

Ayon kay Bureau of Agriculture and Fisheries Standard Director Choy Mamaril, pareho ang chemical properties ng synthetic acetic acid sa natural acetic acid.


Dahil dito, maaaring masabing wala itong masamang epekto sa kalusugan.

Sabi ni Mamaril, kaya sinabing peke ang mga suka na inaral ng PNRI ay dahil ang nakasaad sa Administrative Order ng Department of Health (DOH) noong 1970’s na natural acetic acid ang dapat sangkap ng suka.

Facebook Comments