Paggamit ng tarpaulin at cocolumber bilang temporary shelters ng mga nasalanta ng bagyo, iminungkahi ni Pangulong Duterte

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng tarpaulin o trapal at mga cocolumber bilang materyales sa paggawa ng temporary shelters para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na marami siyang nakitang survivors na natutulog habang may plastic lamang na nagsisilbing bubungan.

Dahil dito, inatasan ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development na bumili muna ng mga trapal para gawing temporary shelter.


Kasunod nito, umapela ang Pangulo sa mga residente ng Siargao na may-ari ng mga puno ng niyog na natumba na idonate na lamang muna ang kanilang mga cocolumber.

Facebook Comments