Paggamit ng unaccredited education materials, dapat iwasan – DepEd

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa publiko na iwasang gumamit ng education materials na hindi accredited mula sa kanila.

Ito ay kasunod ng mga ulat na may mga educational materials na ibinebenta online.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga materyales ay hindi dumaan sa assessment ng ahensya.


Inihalimbawa ni Briones ang isang insidente sa isang libro kung saan nakasulat ang “Banana” Rice Terraces sa halip na Banaue Rice Terraces.

Nabatid na inalis ng DepEd ang 60% ng curriculum nito para makapag-adjust sa remote learning approach sa nalalapit na school year, na nakatakdang magsimula sa August 24.

Facebook Comments