Paggamit ng vape at e-cigarettes, bawal na sa pampublikong lugar

Manila, Philippines – Ipinagbawal na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng electronic cigarettes at vapes sa mga pampublikong lugar.

Base sa administrative order na nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque III nitong June 14, ang public smoking ban sakop na rin ang Electronic Nicotine at Non-Nicotine Delivery System (ENDS).

Ayon kay DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo – magiging epektibo ang kautusan kapag nailathala na ito sa dalawang pahayagan.


Ang mga establisyimentong nagsasagawa ng manufacture, distribution, importation, exportation at selling ng ENDS products ay kailangang mag-secure ng license to operate mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ipagbabawal ang retail sales ng nicotine shots at concentrates.

Ang mga containers ng smoking devices ay kailangang mayroong health warnings.

Ang ban sa vapes at e-cigarettes ay naaayon sa guidelines para sa designated smoking areas sa ilalim ng Executive Order no. 26.

Sa ilalim ng EO 26 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng eskwelahan, workplace, government facilitates, simbahan, ospital, transport terminal, markets, parks at resorts.

 

Pinapayagan ang smoking sa ilang designated areas at open spaces na may proper ventilation.

Facebook Comments