Paggamit ng VaxCertPH, posibleng palawigin ng pamahalaan sa ibang rehiyon sa bansa

Target ng pamahalaan na palawigin pa ang soft launch ng digital COVID-19 vaccination certificate na VaxCertPH sa apat na rehiyon sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, kabilang dito ang Region 3, Region 4, Metro Cebu, at Metro Davao.

Pero paliwanag ni Malaya, ito ay maisasakatuparan lamang kung maisasaayos ang mga datos na isinumite ng Local Governent Units (LGUs).


Kung minsan kasi ay nagkakamali ang mga encoders sa paglalagay ng mga impormasyon kaya hindi nage-generate ang mga certificates.

Sa ngayon kasi tanging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at biyahero lamang na residente Metro Manila at Baguio City ang nakakagamit ng VaxCertPH.

Facebook Comments