Paggamit ng VCO bilang supplement laban sa COVID-19, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ng karagdagang pag-aaral bago irekomenda ang Virgin Coconut Oil (VCO) bilang lunas sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng kagawaran sa kabila ng mga developments sa paggamit ng VCO sa mga pasyenteng suspect o probable cases ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ng mga dagdag na pananaliksik para mapagtibay na ang paggamit ng VCO ay epektibo na panlaban sa virus.


Paalala ni Vergeire sa publiko na ang VCO ay hindi gamot para sa Coronavirus Disease pero supplement lamang sa ibinibigay na treatment sa mga infected individuals.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na nagkaroon na ng positive developments ang VCO sa kanilang mga trials kung saan kaya nitong bawasan ang paglala ng sakit.

Facebook Comments