Paggamit ng waste o basura bilang energy source, pinag-aaralan na ng DOST

Pinag-aaralan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng waste o basura upang makapag-generate ng enerhiya.

Pahayag ito ni DOST Secretary Renato Solidum Jr., sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa pondo ng ahensya sa 2023 proposed budget.

Ayon kay Solidum, mayroon na silang itinayong pilot facility sa Los Baños, Laguna upang mapag-aralan ang tamang temperatura sa pagsunog ng mga basura upang mapigilan ang pagkalat ng mga pollutants sa hangin.


Aatasan ng kalihim ang tatlong ahensya sa loob ng DOST upang pag-aaralan ang gastusin sa paggawa ng kuryente mula sa coal, gas at nuclear energy para malaman kung ano ang mas cost-efficient sa tatlo.

Samantala, bukas din aniya ang kagawaran sa mga teknolohiya upang magamit ang nuclear energy kasunod ng mataas na singil sa kuryente.

Mababatid na nasa 24.06 billion pesos ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ahensya sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program.

Mas mababa ito ng 20.11 bilyong piso kumpara sa hiniling ng DOST at mababa ito ng 210 milyong piso kung pagbabatayan ang kanilang budget ngayong taon.

Facebook Comments