Paggamit ng water canon sa mga raliyista noong Mayo 1, dinepensahan ng PNP

Binigyang katwiran ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng water canon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Fire Protection (BFP) laban sa mga raliyista sa Roxas Boulevard noong Araw ng Paggawa.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nakiusap pa ang MPD sa mga raliyista na lisanin ang Roxas Boulevard dahil wala silang permit pero nagmatigas pa rin ang mga ito na lumapit sa US Embassy.

Ani Fajardo, ginawa lamang ito ng pulisya upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan dahil una nang nagkagirian ang mga pulis at militante.


Matatandaang 6 na militante ang inaresto at kinasuhan ng direct assault to persons in authority and in uniform.

Facebook Comments