Paggamit ng wikang Filipino sa debate at talakayan sa Senado, hindi na bago

Hindi na kakaiba, hindi na bago at hindi na big deal para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nais ni Senator-elect Robin Padilla na paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagdebate at pakikipagtalakayan sa Senado.

Sabi ni Drilon, kinikilala naman sa Senado ang Filipino bilang official language at kahit ang senate records at journal ay naglalaman din ng mga debate sa Filipino.

Binanggit ni Drilon na may pagkakataon din na tagalog ang ginagamit ng ilang senador sa kanilang privilege speech para mas maunawaan ng nakararami.


Subalit ayon kay Drilon, English ang ginamit sa ating konstitusyon at mga batas kaya hindi maiwasan na humantong sa English ang mga debate sa Senado.

Wala ding nakikitang problema si Senator Imee Marcos sa paggamit ng Filipino sa mga debate kasabay ang biro kung pwede rin ang bekemon dahil pang beke ang kanyang tagalog.

Facebook Comments