Binigyang bisa ng Provincial Ordinance NO. 026-2012 o ang Local Language Code of the Province of La Union ang karampatang paggamit ng wikang Ilokano upang mapanatili ang wika kasabay ng mga wikang Filipino at Ingles.
Muling iginiit ang pagpapatupad ng naturang ordinansa sa mga aktibidad ng mga lokal na pamahalaan at opisina ng Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng oras.
Sa ilalim nito, dapat nakalathala ang lahat ng mga ordinansa, resolusyon at regulasyon sa lahat ng opisina ay may bersyon sa Ilokano,Filipino at Ingles gayundin ang kaukulang kakayahan ng lahat ng kawani sa mga pampublikong opisina na makapagsalita sa Ilokano.
Kabilang din ang pagkakaroon ng library section, signage sa mga ospital at iba pang establisyimento na nakasalin sa Ilokano at nakatalagang kwani bilang translator kung kinakailangan.
Layunin na maitaguyod ang Karapatang pang-wika at non-discrimination sa La Union at maisulong ang multilingualism sa paggamit ng Ilokano at iba pang wika sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









