Mariing tinutulan ni Senator Leila de Lima ang plano ng Philippine National Police (PNP) na gumamit ng yantok para disiplinahin ang mga quarantine violators.
Giit ni De Lima, ito ay paglabag sa karapatang pantao at tiyak na maipapataw lang sa mga mahihirap.
Punto ni De Lima na sa hinaba-haba ng lockdown, ay malinaw naman kung sino ang walang disiplina at hindi marunong sumunod sa safety protocols kaya bakit hindi sila disiplinahin at papanagutin.
Diin ni De Lima, hindi solusyon ang marahas na hakbang para maipatupad at mapasunod ang publiko sa mga quarantine protocols.
Dismayado si De Lima dahil sampung buwan na simula nang ipatupad ang lockdown pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito natatanggap na ang COVID-19 pandemic ay hindi peace and order issue.